DSKP Sinumulan ang Serye ng Regional Youth Summit
Sinulat ni Kasamang Hadji Balajadia

Ang mas pinalalakas at mas pinatitibay na hanay ng mga kabataan ng Demokratiko-Sosyalistang Kabataan ng Pilipinas (DSKP), na pinangungunahan ni Comrade Bernard F. Austria, ay naglunsad ng serye ng “Regional Youth Summit” upang ilahad at isulong ang agenda ng sektor ng kabataan. Mahigit isang daang kabataan mula sa National Capital Region ang dumalo sa paunang regional youth summit na ginanap sa Sulo Hotel noong ika-22 ng Abril. Nilalayon ng mga DSKP regional youth summit na ito na imulat at i-organisa ang hanay ng mga kabataan upang tugunan ang hamon na ilunsad ang isang panlipunang rebolusyon tungo sa pagbabago. Muling iginiit ang radikal at pundamental na pagreporma sa lumalalang sistemang pang-edukasyon (education), pangkabuhayan (employment), at tunay na pagpapahalaga sa isyu ng mga kabataang kababaihan. Naging mga pagunahing tagapagsalita sina Kasamang Danilo C. Isiderio ng Education Department ng PDSP, Kasamang Michael Eric Castillo ng Center for Strategic Studies (CSS), Comrade Darius M. Guerrero ang international Secretary ng DSKP at Comrade Beth Angsioco ng Democratic Socialist Women of the Philippines (DSWP). Mas naging makahulugan ang summit ng nakilahok ang mga kabataan sa pagpaplano kung paano mas mapaiigting ang pagsulong ng sektor ng kabataan ang panlipunang rebolusyon bilang tugon sa ating kinakaharap ng krisis pulitika. |